-- Advertisements --

Patay ang tatlong kawani ng Indian Navy matapos sumabog ang nakadaong na barko sa naval dockyard sa Mumbai.

Base sa imbestigayon, naganap ang sunog sa internal compartment ng nasabing barko.

Mabilis naman na naapula ng mga rumespondeng bumbero ang nasabing sunog.

Inaalam na rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing malaking sunog.

Nasa operational deployment ang
nasabing barko mula sa Eastern Naval Command mula pa noong Nobyembre at ito ay nakatakdang bumalik sa base.