-- Advertisements --
Inaresto ng mga awtoridad ang 3 indibdiwal na gumagawa ng iligal na mga paputok sa may lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa Bulacan Police Provincial Office, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga suspek na gumagawa ng iligal na paputok sa may San Ildefonso, Bulacan.
Natuklasan ng mga kapulisan sa kanilang pagtungo sa lugar na walang kaukulang permit ang mga suspek na gumagawa ng paputok.
Nakumpiska din mula sa mga suspek ang isang sako ng 5 star, mahigit 1000 piraso ng Pla-pla, 100 piraso ng bawang, judas belt at mga firecracker fuse.
Kaugnay nito, mahaharap ang mga naarestong suspek sa reklamong may kaugnayan sa paglabag sa RA 7183 o An act of regulating the sale, manufacture and use of firecrackers and other pyrotechnic devices.