NAGA CITY-Patay ang tatlong indibidwal habang sugatan naman ang tatlo pa sa nangyaring karambola sa Tiaong, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na binawian ng buhay na sina alyas Leo, isang menor de edad, residente ng Hilutungan, Kawayan; alyas Angelou, menor de edad, residente ng Pasiagon, parehong sa Masbate City; at si Guillermo Catamco Jr. Kinilala naman ang mga sugatan na sina Nasser Fajardo Lominog, 33 anyos, residente ng Mabini Palanas; Lenie Delos Reyes Dizon, 52 anyos, residente ng Hilutungan, Kawayan; alyas Sandy, menor de edad, residente ng Brgy. San Roque, Esperanza; alyas Jean, menor de edad, residente ng Pio V. Corpuz; Rex Escuña Cañete, 27 anyos, residente ng Libas, Plaser; Eric Atienza, 51 anyos, residente ng Mintac, Cataingan; at si alyas Roshan, isang menor de edad, residente ng Magsalingit, Milagros; lahat ng Masbate City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, bumabiyahe aniya southbound ang Mitsubishi X-pander na minamaneho ni Francus Catalla Ramos, 34 anyos, residente ng Manambrag San Andres Catanduanes, at ang isang Toyota Hi-Ace Commuter Van na minamaneho ni Emgee Catalla Compuesto, 19 anyos, residente ng Brgy. Tubog, Pio V. Corpuz, Masbate City, habang bumabiyahe naman northbound ang Bicol Isarog Bus na minamaneho ni Anthony Sambrano Nazareno, 34 anyos, residente ng Manambrag, San Andres, Catanduanes.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nag-overtake si Catalla sa behikulong minamaneho ni Ramos, rason upang ma-swide swipe ni Catalla ang behikulo ni Ramos, at matamaan naman ang bus na minamaneho ni Nazareno.
Dahil dito, 7 ang sugatan sa mga sakay ni Catalla habang 7 naman ang binawian ng buhay.
Sa ngayon pinag-uusapan na ang amicable settlement sa gitna ng lahat ng sangkot sa aksidente.