-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatang ang tatlong indibidwal sa magkahiwalay na insidente ng pananaga sa probinsya ng Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office nabatid na habang nag-iinuman sa Sitio Rancho, Brgy. Canuyep, Mulanay, Quezon, ang biktima na sila Alyas Julio, 69-anyos, at ang suspek na si Alyas Jonard, 28-anyos parehong residente ng nasabing lugar ng magkaroon ng mainit na argumento ang dalawa na nagresulta naman sa pananaga ni Alyas Jonard sa mukha at balikat ni Alyas Julio.

Agad naman dinala sa ospital si Alyas Julio para sa asistensya medikal habang agad naman naaresto ang suspek na si Alyas Jonard.

Samantala, sa ibang insidente, sugatan rin ang dalawang lalaki sa Sitio 4, Brgy. Kanluran Domoit, Tayabas City dahil sa kaparehong krimen.

Kinilala naman ang mga biktima na sila Alyas Richard, 32-anyos, at Alyas Jomar, 29-anyos, parehong residente ng nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid pa na habang nag-iinuman ang dalawa sa labas ng bahay ni Alyas Richard, nang bigla na lamang dumatin sa lugar ang armong suspek na kinilalang si Alyas Gerald, nasa legal na edad, at sa hindi pa malamang na dahilan, bigla na lamang nito pinagtataga si Alyas Richard sa walang tuhod.

Sinubukan naman pigilang ni Alyas Jomar ang suspek ngunit, nasugatan din ito sa kaniyang kanang kamay.

Kaagad naman dinala ang dalawa sa hospital para sa asistensya medikal habang kaagad rin tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang direksyon,

Sa kasalukuyan, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen.