BUTUAN CITY – Naitala ang tatlong insidente sa hold-up sa lalawigan ng Agusan del Sur.
Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo, unang naganap ang hold-up sa may Purok-4, Barangay Langkilaan, Trento, Agusan del Sur pasado alas 12:00 ng tanghali kung saan na-hold-up ang panel ng sigarilyo at natangay ng mga suspek ang P20,000 na cash.
Habang nagbebenta sa kanilang produkto ang mga biktima na sina Dithier De Lara at Ryan Taglucop na parehong residente sa Barangay Obrero, Butuan City, biglang dumating ang tatlong mga suspek na may mga pistola kung saan nagdeklarang hold-up saka daling tumakas matapos nagkakuha ng pera.
Nasundan ito pasado alas-2:00 ng hapon kung saan na-hold-up ang van ng frozen product sa may Purok-1 Boan, Barangay Wasian, Rosario, Agusan del Sur at aabot sa P125,000 ang nakuhang pera.
Habang pagdating sa alas 4:00 ng hapon, ang kasama sa panel sa sigarilyo na unang na-hold-up, nabiktima na naman ng mga tulisan sa may Purok-2, Barangay Lapinigan, San Francisco, Agusan del Sur.
Aabot sa P23,500 at tatlong rims na sigarilyo ang nadala ng hindi pa makilalang mga suspetsado.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya ang insidente kung saan pinaniniwalaang iisang suspek umano ang gumawa sa mga krimen.