-- Advertisements --
velasco romualdez cayetano duterte go
President Rodrigo Duterte in Japan with House speakership rivals Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Leyte Rep-elect Martin Romualdez, Taguig Rep-elect Alan Peter Cayetano. Also in the picture Sen-elect Bong Go.

TOKYO – Ayaw umanong makialam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresistang nag-aagawan sa pagiging House Speaker.

Ito ang sinabi ni Senator-elect Bong Go matapos makipagkita nitong Miyerkules ng gabi sa Japan kay Pangulong Duterte sina Representatives Lord Allan Velasco, Martin Romualdez at Congressman-elect Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Go, wala pa naman sa tatlo ang iniindorso ni Pangulo dahil hangga’t maaari ay ayaw nitong makisawsaw sa mga panloob na aktibidad at trabaho sa Kongreso.

Ayon pa kay Go, wala rin namang kwestiyon sa pagiging magagaling ng tatlo.

Wala namang nabanggit ang incoming senator kung inilatag nina Velasco, Romualdez at Cayetano kay Pangulong Duterte ang posibilidad na magkaroon na lamang silang hatian sa termino o term sharing.