-- Advertisements --

Patay ang tatlong Israeli border guards matapos na sila ay pababarilin sa Allenby Crossing sa pagitan ng West Bank at Jordan.

Ayon Israel Airports Authority, na ang tatalong biktima ay nasawi habang nagtatrbaho sa crossing.

Hindi pa malaman kung sino ang nasa likod ng nasabing pag-atake.

Nagsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang Jordanian Interior Ministry ukol sa insidente.

Dahil sa insidente ay isinara ang tatlong land crossing sa pagitan ng Israel at Jordan.