CENTRAL MINDANAO- Masuwerting nakaligtas ang isang bata at patay ang tatlo nitong alagang kalabaw nang makuryente sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Joel Bacong Jr,12 anyos at residente ng Barangay Edcor Buldon Maguindanao.
Ayon sa report ng Buldon Municipal Police Station (MPS) habang nagpapastol ang biktima sa gilid ng kalsada ay bigla nalang bumagsak ang isang poste ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco-PPalma).
Tumama ang live wire ng Cotelco sa tatlong kalabaw at agad nangisay kung saan on the spot na binawian ng buhay.
Maswerting sugat lamang ang natamo ng bata at nakaligtas sa malakas na boltahe ng kuryente.
Marami ang naniniwala na posibling nabuwal ang poste ng Cotelco dahil sa malakas na ihip ng hangin.
Inayos na ng Cotelco PPalma ang natumbang poste ng kuryente at nagbigay ng tulong sa pamilya ng bata.