DAGUPAN CITY – Mayroong tatlong karateka mula sa lungsod ng Dagupan ang magrerepresenta sa Pilipinas sa international competition na Asian Karatedo Federation Championships na gaganapin sa Uzbekistan sa Hulyo 18 hangang 23.
Ito ang kinumpirma ni International Chief Instructor ng Wado Ryu Karate Do Association, Kyoshi Dr. Alejandro Enrico Vasquez, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan.
Ayon kay Dr. Vasquez, na closed in coach din ng mga atletang sina Joco Vasquez, Jayson Ramil Ordoñez Macaalay at Mark Andrew Manantan, ang susuunging laban ng tatlo ay preparasyon na rin para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.
Nabatid na paalis na ngayong araw ang mga ito mula sa Philippine Sports Arena kung saan sila pansamantalang namalagi para sa kanilang light training, patungong ibang bansa upang doon puspusang magsanay magsanay bago ang kanilang laban sa Uzbekistan.
Inamin naman ni Dr. Vasquez na maraming pagbabago na isinagawa para sa kanilang paghahanda katuwang ang ilan ditong mga ekspertong coach.