KORONADAL CITY- Naghahanda ang militar sa posibleng retalliatory attack ng mga myembro ng armed lawless group sa Cotabato province matapos na ma-neutralize ng AFP-PNP operation ang 3 sa mga ito at nakunan pa ng 5 high-powered firearms sa Brgy. Macabual, Pikit, Cotabato.
Ito ang inihayag ni Brigadier General Orly Pangcog, commander ng 601st Brigade, Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal. Ayon kay General Pangcog, maghahain lang sana ng warrant of arrests sa kasong murder at frustrated murder ang mga otoridad labang kina Abdullah Kurdotoy at Jonathan Kadalem nang unang nagpaputok ang mga suspek kayat nangyari ang palitan ng putok.
Ayon pa kay Pangcog, ang tatlong nasawi ay kinilalang sina alyas “Maano”, alyas “Norman” at si alyas “Baganian” na pawang magsasaka at residente ng Brgy. Macabual, Pikit Cotabato at kabilang sa Special Geographical Area ng BARMM.
Kinilala naman ang sugatang pulis na si PCpl Eric Saltin Buslayan na nakatalaga sa 45th SAC, Special Action Force.
Narekober sa mga suspek ang apat na unit ng highpowered fireamrs gaya ng M16 rifles.
Samantala, tuluyan ng tinalikuran ng 7 mga kasapi ng ekstremistang grupo ang armadong pakikibaka matapos na sumuko ang mga ito.
Dagdag pa ng opisyal sumuko ang mga kasapi ng BIFF-Karilan Faction dahil sa pinalakas na kampanya ng militar kontra terorismo.
Isinuko din ng mga ito ang kanilang kagamitang pang giyera kagaya ng isang M14 Rifle, isang Garand Rifle, isang M79 Homemade Grenade Launcher, dalawang RPG Launchers, anim na Anti-personnel RPG ammo, isang IED, dalawang UXOs (81MM HE at 60MM HE), limang Hand Grenades at tatlong Rifle Grenades, at 40MM HE.
Nakatanggap naman ng livelihood assistance ang mga sumukong kasapi ng BIFF. Kaugnay nito patuloy ang paghikayat ng opisyal sa mga natitira pang BIFF na sumuko na rin sa mga otoridad upang makapamuhay ng payapa.