Patay on the spot ang tatlong kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa pananambang dakong alas-5:25 ng umaga kanina sa probinsiya ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawi na sina Ariel Cedino Jr., Uy-uy Mancera at Joel Chavez,Mga Cafgu sa ilalim ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army.
Sa ulat ng 602nd Brigade na lulan ng motorsiklo ang mga biktima mula sa kanilang kampo at papauwi na ng kanilang tahanan dahil off-duty nila ngunit pagsapit nito sa Barangay Manaulanan Pikit Cotabato ay bigla itong inambush ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang mga matataas na uri ng armas.
Agad namang tumakas ang mga suspek nang magresponde ang mga sundalo,pulis at mga kasamahan nilang mga Cafgu.
Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo sila ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang mga armadong grupo na nanambang sa tatlong Cafgu.