-- Advertisements --

Inaalam na ng mga eksperto sa Japan kung paano kumalat ang bagong variant ng coronavirus sa kanilang bansa.

Ito ay dahil mayroong tatlong pasyente na nagpositibo sa nasabing virus kahit hindi umano bumiyahe ang mga ito sa United Kingdom.

Naninirahan ang mga ito sa Shizuoka prefecture kung saan may edad ang tatlo mula 20 hanggang 60-anyos.

Pumapalo na ngayon sa 45 na kaso ng bagong variant ang naitala sa Japan.

Magugunitang unang naitala ang nasabing bagong variant ng coronavirus sa Britain, South Afirca at Brazil.