-- Advertisements --
LA UNION – Hindi na nakapalag pa ang tatlong katao matapos maaktuhan ng mga pulis na nagtotong-its sa Brgy. Al-alinao Norte, Naguilian, La Union.
Kabilang sa mga hinuli ang isang 35 at 32-anyos na babae at 25-anyos na lalake, kapwa mga residente ng nasabing barangay.
Naaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng tong-its, sa isinagawang anti illegal gambling operation ng mga otoridad.
Kinumpiska din ang ginamit na playing cards at bet money na aabot sa P140.
Matapos dalhin sa himpilan ng pulisiya, pinakawalan din matapos na makapagbayad ng P1,000 bawat isa dahil sa paglabag sa municipal ordinance.