-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang tatlong indibidwal matopos ang aksidente sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang mga sugatan na sina Renalyn Joy, 33-anyos; Jejie Aboy 37-anyos at isang menor de edad na lalaki.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni Alyas June ang kahabaan ng Brgy Castañas sa nasabing bayan ng aksidente nitong mapasok ang kabilang linya kung saan nakaparada sa gilid ng kalsada ang dalawang sasakyan at mabangga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan ang biktima na kaagad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente.