-- Advertisements --

Kinasuhan ng mga otoridad ang tatlong indibidwal na may kinalaman sa pagkasawi ng dating One Direction singer na si Liam Payne.

Ayon sa Argentinian authorities na binubuo ito ng pinaghihinalaang drug dealer, empleyado ng hotel na nagbigay ng cocaine sa singer at ang tao na malapit sa kaniya.

Maging ang tao na bumisita kay Payne ay kinasuhan ng “abandonment of a person followed by death”.

Base kasi sa otopsiya na nakita sa katawan ng singer ang mga traces ng alkohol,cocaine at antidrepressant.

Base sa natanggap na tawag mula sa 911 isang araw bago ang pagpapakamatay ni Payne, ay napansin na nila ang bahagyang pagwawala nito habang nasa impluwensya ng droga at alak.