CENTRAL Mindanao – Pawang sa ulo ang tama ng tatlo katao na natagpuan patay sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang isa sa mga biktima na si Darwin Pama Sabes na residente ng Midsayap, Cotabato habang ang dalawa ay hindi pa tukoy ang pagkakilanlan.
Ayon kay Aleosan chief of police Captain Arvin John Cambang na nakarinig ng mga putok ng baril ang mga residente ng Purok J, Barangay Dualing, Aleosan, Cotabato at sabay na umalis sa lugar ang isang SUV na sasakyan.
Nang usisahin ng mga opisyal ng Barangay ay doon bumulaga sa kanila ang tatlo katao na naliligo sa kanilang sariling dugo at wala ng buhay na pawang nagtamo ng tama ng bala sa kanilang mga ulo sa gilid ng provincial road.
Agad namang nagresponde ang mga pulis at naglagay ng blocking checkpoint ngunit tuluyan nang nakatakas ang mga salarin.
Malaki ang paniniwala ni Capt Cambang na sakay ang mga biktima sa SUV at pinababa sabay pinagbabaril.
Kilala umano ang tatlong nasawi na asset ng militar at posibieng pinatay ng grupo na kanilang target o minamanmanan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Aleosan PNP sa pamamaril patay sa mga biktima.