-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hustisya ang sigaw ng pamilya sa tatlo katao na pinatay sa probinsya ng Cotabato.

Unang nakilala ang biktima na si Darwin Pama Sabes na residente ng Barangay Poblacion 1, Midsayap, Cotabato.

Habang ang dalawa ay sina Mamukan Kanlon Salanggao, 31, may-asawa at ang kanyang kapatid na si Romano Kanlon Salanggao, 27, binata at kapwa nakatira sa Barangay Poblacion 3, Midsayap.

Mismo ang pamilya at mga kamag-anak ang kumilala sa bangkay ng magkapatid.

Ang tatlo umano ay asset ng isang law enforcement Unit ng gobyerno at pinatay nang minamanmanan nilang lawless group.

Matatandaan na natagpuan ang bangkay ng mga biktima na kapwa may tama sa ulo sa Purok J, Barangay Dualing sa Aleosan, Cotabato.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Aleosan Municipal Police Station sa naturang pangyayari.