-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sasampahan ng kasong illegal possession of firearms ang tatlo katao na nahuli sa Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Basit Kamid, Asrad Sultan at Tulondatu Omar,mga residente ng Barangay Bialong South Upi Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na naglunsad sila ng law enforcement operation katuwang ang mga tauhan ng RMFB 14 RID RSOG at militar, target ang isang wanted person na si Nashro Omar sa Barangay Bialong South Upi Maguindanao.

Nakatakas ang target sa operasyon ngunit inabutan ng raiding team ang mga armadong tauhan ni Omar.

Narekober sa mga suspek ang isang 5.56mm Bushmaster Rifle; (1) M16 A1 Rifle; (1) caliber 9MM Pistol nga dunay 2 magazine; (1) caliber .45 Taurus Pistol nga dunay 2 magazine; (1) unit caliber .45 Armscor Pistol, 8 M16 Magazines at mga bala.

Ang mga suspek ay mga miyembro umano ng Omar Armed Lawless Group na kumikilos sa South Upi Maguindanao at hangganan ng probinsya ng Sultan Kudarat.

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga suspek sa costudial facility ng South Upi Municipal Police Station at patuloy na iniimbestigahan.