-- Advertisements --

Tutulungan ng Manila City Government ang mga kaanak ng tatlong nasawi matapos mabagsakan ng kanilang bahay ng nabuwal na puno ng balete.

Ang mga biktima na kinilala na sina Edcel Landsiola, 42; at ang mag-amang sina Jomar Portillo, 28, at John Mark, 2. na nabagsakan ang bahay sa Estero de Magdalena sa Binondo, Maynila.

Dead on the spot ang 2-anyos na bata habang ang dalawang biktima ay sa pagamutan ng nalagutan ng hininga.

Kasagsagan ng pagtulog ng mga biktima ng mangyari ang aksidente.

Nagsasagawa na rin ng assessment ang Manila City government kung ligtas ba ang ilang kabahayan sa lugar.