NAGA CITY – Patay ang isang motorista at dalawang menor de edad habang sugatan naman ang isa pa matapos ang nangyaring head-on collision sa Brgy. Balubad, Atimonan, Quezon.
Kinilala ang mga namatay na motorista na si Vicente Garin at magkapatid na Vincent at Marian Meperaque na kapwa mga menor de edad.
Habang sugatan pa ang kanilang binatilyong kapatid na nasa pagitan ng 10 hanggang 15-anyos.
Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, binabaybay umano ni Garin ang kahabaan ng Barangay Balubad lulan ang tatlong magkakapatid maokupa umano nito ang kabilang linya ng kalsada na nagresulta sa head on collision sa isang Nissan Urvan Van na minamaneho ni Jay-R Llorca Salvo.
Nagtamo umano ng sugat sa ulo at katawan ang mga biktima na agad naman na dinala sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival ng attending physician.
Habang isinasailalim pa sa medikasyon ang nasugatang binatilyo.
Sa ngayon patuloy pa ring iniimbestigahan ang nasabing pangyayari habang posible namang maharap sa kaukulang kaso ang driver ng van na si Llorca.