-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao at anim na iba pa ang sugatan matapos na itakbo ng isang lalaking may deperensya sa pag-iisip ang patrol car ng PNP sa Morong Rizal.

Sinabi ni P/Maj Rosalino Panlaqui hepe ng Morong, Rizal, na unang nirespondihan ng mga kapulisan ang isang nagwawalang suspek na may deperensya sa pag-iisip.

Una nilang dinala ang suspek sa pagamutan noong kanilang mapahupa ito dahil sa may sugat siya katawan.

Habang nasa pagamutan ay bigla na lamang tumakbo ito palabas ng pagamutan at sumakay sa patrol car ng police at pinaandar niya.

Hinabol ito ng mga kapulisan subalit naibangga na ng suspek ang sasakyan sa mga nakaparadang tricycle at motorsiklo sa lugar.

Dinala ang mga biktima sa pagamutan kung saan tatlo sa kanila ng idineklarang dead on arrival habang apat ang sugatan kabilang ang mga pulis na nagresponde.

Kasalukuyang nasa kustodiya na nila ang suspek at hinahanap nila ang mga kaanak nito.