CENTRAL MINDANAO- Tatlo katao ang pinagbabaril patay ng mga armadong kalalakihan sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga nasawi na sina Rassid Guiaman, 35 anyos, Ustadz Abdulgani ,37 at isang hindi pa tukoy ang pagkakilanlan,mga residente ng Barangay Tuka Mamasapano Maguindanao.
Ayon sa ulat ng Maguindanao PNP na sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo mula sa kanilang tahanan patungo sa bayan ng Datu Piang ngunit pagsapit nila sa Sitio Kurungan Brgy Sambulawan Datu Salibo Maguindanao ay bigla silang tinambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Salibo.
Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng mga tama ng bala sa kanilang ulo at dibdib.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Salibo PNP sa pamamaril patay sa mga biktima.