Kinumpirma ng health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na 3 indibdiwal ang napaulat na namatay dahil sa outbreak ng tigdas.
Nasa 2 sa namatay ay mula sa Lanao del Sur habang ang 1 naman ay mula sa Sulu.
Simula pa noong Enero ng kasalukuyang taon, aabot na sa 600 kaso ng tigdas ang naitala sa rehiyon.
Ayon naman sa Department of health, makakatulong na maiwasang madapuan ng sakit sa pamamagitan ng pagpapaturok ng bakuna kontra tigdas.
Ang tigdas ay isang nakakahawang sakit na naikakalat sa pamamagitan ng hangin na pangunahing naipapasa sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing. Nakakaapekto din ito sa lahat ng edad subalit karaniwan na dinadapuan ay ang mga bata.
Ilan sa mga sintyomas nito ay mataas na lagnat, ubo, sipon at mga pantal sa katawan.
Nakapagtala na ang DOH ng paglobo ng kaso ng tigdas sa nakalipas na buwan sa lahat ng rehiyon maliban sa Bicol at Central Visayas.
Kaugnay nito, target ngayon ng ahensiya na makapagbakuna ng 90% ng high-risk population lalo na sa mga batang edad 6 na buan hanggang 10 taong gulang para makontrol ang tigdas sa bansa.