-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa Italy ang tatlong katao na hinihinalang sangkot sa human trafficking.

May kaugnayan ito sa pagkasawi ng 64 migrants matapos na lumubog ang kanilang sinakyang barko sa karagatang sakop ng Italy.

Isang Turkish at dalawang Pakistani ang nakakulong na sinasabing nasa likod ng human smuggling.

Karamihang mga lulan ng bangka na may mahigit 200 kataong sakay ay mula sa Afghanistan, Pakistan, Somalia, Syria, Iraq at Iran.

Pinangangambahan din ng mga opisyal na posibleng umakyat pa sa mahigit 100 katao ang masasawi.

Base sa imbestigasyon gn gma otoridad na siningil ang mga biktima ng hanggang $8,000 bawat isa para makabiyahe.