Tatlong katao, sugatan matapos mawalan ng preno ang sinakyang trailer truck na nagkarga ng crane sa Bangui, Ilocos Norte
LAOAG CITY – Nagtamo ng sugat ang tatlong indibidual kalpasan matapos mawalan ng preno ang sinakyang nilang trailer truck sa Barangay Baruyen sa bayan ng Bangui.
Nakilala ang mga ito na sina Rio Ramirez, ang driver ng trailer truck at kasama nito na sina Gregorio Castillo at Nestor Doner.
Ayon kay Police Captain Marlon Lorenzo, ang chief of police ng Philippine National Police sa bayan ng Bangui, ang mga biktima ay galing Tondo, Manila at habang binabagtas ang pababang parte ng kalsada ay nawalan umao ng preno ang kanilang sasakyan.
Sinabi nito na nag mapansing wala ng preno ang kanilang sasakyan ay nagdesisyon ang driver na ibangga na lamang sa mga kahoy na nasa gilid ng kalsada para walang ibang madamay.
Dahil dito ay nagtamo ng fracture ang kaliwang paa ng driver habang ang mga kasama nito ay nasugatan ang kanilang mukha.
Agad naming itinakbo sa Bangui District Hospital ang mga biktima ngunit inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac.
Samantala, nabatid na ang mga biktima ay naggaling sa Tondo, Manila at papunta sana sa Pagupud, Ilocos Norte.