-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sinampahan na ng kaso ng Cateel Municipal Police Station sa Davao Oriental ang tatlong mga suspetsado na kumidnap at pumatay sa isa sa dalawang mga biktima kung saan nanghingi pa ng ramson ang mga ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Joel Maguindong, Veloso Maguindong at alias Jaguar parehong residente ng Barangay Malibago, Cateel.

Sa panayam ng Bomboradyo kay Police Master Seargent Vincent Joel Uy, imbestigador ng Cateel Police station binihag ng dalawang mga suspek ang mga biktima na si Mrs. Rosalie Salvaña Sayman at ang 17 anyos na si alyas BanBan sa nakaraang at dinala sa bukiring bahagi ng Barangay Malibago sa nasabing lalawigan.

Ngunit nakatakas umano si alyas BanBan at nagsumbong ito sa mga kapulisan at sinabing humingi ang mga suspek ng 300,000 pesos kapalit ng kanilang kalayaan.

Nagsagawa agad ng operasyon ang otoridad na nagresulta sa pagkakahulo nga mga suspek ngunit narekober ng mga otoridad na wala ng buhay ang isa pang biktima na si Rosalie kung saan nasa tabi nito ang itak na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Patung-patong na kaso ang isinampa ng otoridad laban sa mga suspetsado.