Naaresto ng mga operatiba ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) ang tatlong wanted na Koreano na matagal ng pinaghahanap sa South Korea.
Kinilala ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang naarestong suspek na si Yong Ho Jeon na wanted s aJeonju District Court dahil sa kasong fraud.
Nakapanloko si Jeon na nagkakahalaga ng 5.6 billion Korean won mula sa mahigit 500 biktima sa South Korea sa pamamagitan nang pagpapanggap bilang staff ng isang Korean financing institution.
Nahuli si Jeon ng pinagsanib na pwersa ng CIDG ATCU at Southern Police District sa Makati sa bisa ng Interpol red notice dahil sa nasabing kasong kinakaharap sa Seoul.
Bukod kay Jeon, inaresto rin ng CIDG ang mag asawang Yang Sum at Yang Myung Ock Yeo sa La Trinidad Benguet.
Si Yang Sum ay inaresto sa bisa ng interpol red notice dahil sa tatlong kaso ng fraud sa South Korea habang ang misis nitong si Yang Myung Ock Yeo ay dinampot dahil sa paglabag sa immigration law rules and regulations ng bansa.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin ang mga otoridad sa Bureau of Immigration para maibalik sa South Korea ang mga nasabing dayuhan.