Arestado ang tatlong pulis na umano’y kotong cops sa isinagawang entrapment operation ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa isinagawang hiwalay na entrapment operation sa Taguig City at Bicol.
Sa report ni PNP-IMEG director, Col. Thomas Frias Jr., kay PNP chief General Debold Sinas, unang nahuli sa entrapment operation si Staff Sergeant Carlo Marsaba Sison.
Si Sison ay nakalatalaga sa Taguig City Police Station na naaresto sa C6, Napindan Road, Brgy. Napindan, Taguig City.
Inireklamo ito ng isang Jordan Delfin Maxian dahil sa paghingi umano ng P15,000 kapalit para maalis ang pangalan bilang mga drug suspek na sangkot sa illegal drug activities.
Sa kabilang dako, sa Bicol region naman, dalawang pulis din ang arestado dahil sa robbery extortion.
Nakilala ang mga ito na sina SSG Ernan Marquez Mullasgo at SSG Gerald Callo Capuz kapwa nakatalaga sa Camalig Municipal Police Station.
Kasama rin nilang naaresto ang dalawa pang kasabwat na sina Melody Paliza Quidez at Securiy Guard na si Jay Marquez Quides.
Naaresto sila sa Provincial Engineering Office, Barangay Salugan, Poblacion, Camalig, Albay.
Inirereklamo sila ng isang abogado na kinilalang si Paulino Baclao Fernandez Jr. dahil sa pagbabantang kikidnapin umano ang kanyang magulang kung hindi magbibigay ng P2 million.
Sa isinagawang operasyon, nasabat sa mga suspek ang dalawang handguns, limang mobile phones at marked money na P1,000.
Ipinag-utos na rin NCRPO chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr., ang pagdis-arma sa nasabing pulis.
Sasampahan ng kasong criminal at administratibo ang mga nahuling pulis.
Tiniyak ni PNP chief Gen. Debold Sinas na mananagot ang mga pulis na sangkot irregularities and misconduct.
Sinabi ni Sinas na ang disciplinary policy ng PNP ay mahigpit at sinumang lalabag dito ay mananagot.