-- Advertisements --

Tatlong kumpanya ang interesadong mag-apply ng emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine ng Sinopharm.

Ayon kay Food and Drugs Administration (FDA) Director-General Eric Domingo na sumulat na sa kanilang opisina ang nasabing mga kumpanya at ipinahayag ang interest.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong dalawang kumpanya lamang ang nagpahayag ng interest na mag-apply ng EUA ng bakuna na gawa ng China.

Dagdag pa ni Domingo na magsusumite pa ang nasabing mga kumpanya ng kanilang mga dokumento.

Nauna ng nagpaturok si Pangulong Rodrigo Duterte ng Sinopharm vaccine kung saan ito umano ay sakop ng compassionate special permit mula sa Presidential Security Group Hosptial.

Dahil dito ay nakiusap ang pangulo kay Chinese Ambassador Huang Xilian na huwag ng magpadala ng nabanggit na bakuna at sa halip ay palitan na lamang ito ng Sinovac.