-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihain na ang kasong may paglabag sa RA No. 9165 o mas nakilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa tatlong mga suspek na nakunan ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit 1.5 milyon piso sa isinagawang buybust operation pasado alas 12:20 ng tanghali sa may Barangay Taft, Surigao City.

Nakilala ang mga naaresto na sina Bagshit Balangi Hadji Azis, 37-anyos; Najib Tantua Mambuay, 34-anyos; at Juhair Gambo Tantua, 30-anyos na parehong residente sa Lanao del Sur at nalista bilang mga high-value individuals.

Nakumpiska galing sa posisyon ng mga ito ang 8 sachet na may laman sa pinaniniwalaang shabu na may bigat na 231 gramo at nagkakahalaga sa 1, 571,480.00 pesos.

Kasama sa nakumpiska ang marked money na umabot sa 85-mil pesos.

Base sa report, ang mga suspek ay may kaugnayan sa grupo na naaresto noong Agosto 29, 2023 na nakunan ng 13-million pesos na halaga ng shabu.