DAVAO CITY – Mahaharap sa patung-patong na kaso ang tatlong mga lalaki matapos marekober mula sa kanilang posisyon ang shabu, granada at replica ng armas.
Sa imbestigasyon ng otoridad, tumakas umano ang mga suspek na nakilalang sina Donald Juegos, 25 anyos, Ivan Rabaya, 18 anyos at Jerome Jamo, 18 anyos na sinasabing miyembro ng grupong RNB o resbak ng Bagsakan , parehong residente ng Tagum City habang isinasagawa ang checkpoint sa New Corella Davao del Norte.
Sinasabing tumakas umano ang tatlo habang ginagawa ang pagrikisa ng otoridad sa gilid ng kalsada sa mga dumadaan na mga motorsiklo.
Nang mahuli ito ng mga otoridad, walang maipakitang dokumento ang nagmaneho ng motorsiklo at narekober sa kanilang posisyon ang isang .45 caliber pistol at shabu.
Habang narekober naman sa posisyon ng 18 anyos ang tatlong mga granada.
Ayon sa otoridad, responsable ang mga suspek sa pangingidnap ng isang 16 anyos na dalagita at kanilang minolestiya at nasasangkot rin ang mga ito sa pagnanakaw.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 – Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, possession of explosive device, anti-gun replica law at paglabag sa Presidential Decree 1612.
Nakakulong na ngayon ang mga suspetsado at hinihintay na lamang ang susunod na kautusan ng korte.