-- Advertisements --
Dinala sa pagamutan ang tatlong lalaki na galing sa Japan at naka-quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac matapos makitaan ng sintomas ng coronavirus o COVID-19.
Ayon kay Department of Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, na nakaramdam ng pag-ubo ang isa habang pananakit sa lalamunan naman ang dalawa.
Dahil dito ay napagpasyahan nila na dalhin na lamang ang mga ito sa pagamutan.
Hihintayin pa ng DOH ang resulta ng pagsusuri ng pagamutan sa mga biktima.
Magugunitang dumating sa bansa ang nasa 440 pasahero at crew ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong Japan.