COTABATO CITY — Tatlong kababaihan ang tiklo ng mga operatiba ng Cotabato City Police matapos isagawa ng mga ito ang buybust operations nito kahapon, araw ng Miyerkules sa Bagua 3, lungsod ng Cotabato.
Kilala ni PS1 Station Commander Maj. John Vincent Bravo ang mga nahuli na sina Tata Karim Salim, Aiko Bella Mustapha at Rakma Gulam, pawang nasa wastong idad at lahat ay pawang na mga taga siyudad habang nakatakas naman ang tatlong lalaki na mga kasama nito.
Ayon sa ulat, isa sa mga suspek ang nagbenta ng ipinagbabawal na shabu sa isang police asset kaya nahuli ang tatlo na nagresulta sa pagkakakanta sa kanilang pinagtataguan o drugden.
Nakumpiska sa mga nahuli ang mga drug and non drug evidences at ngayon ay himas rehas na ang mga suspetsado sa Custodial Facility at haharap sa kaso ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.