-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Magpapatuloy ang search and rescue operations upang makita ang dalawa mula sa tatlong mga lalaki na nalunod sa ilog sa Sagay City, Negros Occidental Linggo ng hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay P/Master Sgt. Rolin Jaluag, imbestigador ng Sagay City Police Station, nanisid ang mga biktima ngunit nalunod dahil biglang lumakas ang daloy ng tubig sa Himogaan River sa Barangay Paraiso.

Nangyari umano ang insidente alas-2:00 ng hapon ngunit alas-4:00 na napaalam sa mga otoridad.

Kahapon, naretrieve na ang bangkay ni Jerry Magada, 52 anyos, byuda at residente ng Purok Hillside, Barangay Poblacion 2, Sagay City.

Nananatili namang missing ang dalawang kasamahan nito.

Temporaryo munang itinigil ng mga rescue teams ang search operations dahil madilim na ang paligid.