-- Advertisements --

NAGA CITY-Timbog ang tatlong lalaki sa Candelaria, Quezon matapos na ikasa dito ang isang buy-bust operation.

Kinilala ang mga suspek na si alyas Noel, 37 anyos, residente ng Sitio Calamias, Brgy. San Isidro, Candelaria, alyas Julius, 34 anyos, galing sa kaparehong barangay, at si alyas Melvin, residente ng Brgy. Mangalang Kiling, Sariaya, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang poseur-buyer sa mga suspek ng isang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu, kung saen kaagad dito na inaresto ang mga suspek.

Nakuha rin sa kanila ang dalawa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang kalibre 45 na baril, magazine at tatlong bala para dito, isang dark blue na sling bag, at isa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

May bigat ang nakumpiskang pinaghihinalaang droga sa mga suspek ng 17.46 grams, at nagkakahalaga aniya ng 356,184 Pesos.

Presenteng naka-detine ang mga suspek sa Candelaria Municipal Police Station para sa nararapat na disposisyon.