-- Advertisements --

COTABATO CITY — Tiklo sa isinasagawang tupada ng mga operatiba ng pulisya ng lungsod ang tatlong lalaki habang nagsasabong ng mga manok na pawakan o sasabungin sa Purok 9, Esteros Mother Barangay Tamontaka nitong lungsod.

Sa ulat na galing sa kapulisyahan sa pangunguna ng Station 3 Commander nito na si PLT Rustan Deano, nakatanggap sila ng ulat na may nagaganap na tupada sa lugar at agad nila itong pinuntahan dahilan upang madakop ang mga illegalista.

Kinilala ang mga natiklo na sila alias Panoy, Mario at Dudoy, nasa hustong gulang na pare parehas na taga Mother Barangay Tamontaka.

Nasa kustodya na ngayon ng Station 3 ang tatlong illegalista at nahaharap sa kasong Illegal Cockfighting.