-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ang tatlong lalaki matapos masangkot sa aksidente sa pambansang lansangan sa Marana 1st City of Ilagan.

Ang mga nasangkot sa aksidente ay sina Cliff John Patrick Lanquita, 25 anyos, construction worker may-asawa, drayber motorsiklo at ang backrider nito na si Jericho Rapano,19 anyos, construction worker at kapwa residente ng Sisim Alto, Tumauini, Isabela.

Sa paunang imbestigasyon ng Ilagan City Police Station, binabagtas ng mga sakay ng motorsiklo ang national highway patungong hilagang direksyon nang mabangga ang nakatayo sa soulder lane ng lansangan na si Domingo Pawig, 53 anyos, konduktor ng isang bus company at residente ng barangay Marana 1st, City of Ilagan.

Nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tatlo at dinala sa isang pribadong pagamutan si Pawig habang dinala naman sa provincial hospital ng mga kasapi ng Rescue 1124 ang dalawang lulan ng motorsiklo.

Nagpositibo sa nakalalasing na inumin ang tsuper ng motorsiklo na si Lanquita.