CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (Illegal Logging Law0 ang tatlong lalaki matapos mahuli sa Barangay Cabisera 22, Ilagan City.
Ang mga suspek ay sina Nickson Ulnagan, 35 anyos, may-asawa, magsasaka, residente ng Cabisera 10, Ilagan, City; Eduardo Calderon,49 anyos, may-asawa, magsasaka, residente ng Cabisera 9-11, Ilagan City at Rolly Paludipan na hindi pa nahuhuli.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ng tawag ang 1st Isabela Provincial Mobile Force Company mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang van na kulay asul na may kargang illegal na pinutol na kahoy na mula sa Barangay Villa Imelda, Ilagan City kung saan ay dadalhin sa Ilagan City proper.
Agad namang bumuo ng isang team si Police Major Ruben Martinez, Deputy ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company at agad na nagtungo sa nasabing lugar para patunayan ang natanggapna sumbong.
Habang sila ay patungo sa nasabing lugar ay nakita nila ang nasabing sasakyan na itinawag sa kanila at dalawang motorsiklo sakay ng mga pinaghihinalaan patungo sa Cabisera 10 Ilagan City.
Hinabol nila ang nasabing sasakyan at naabutan sa sa Sitio Kimmalugong, Brgy Cabisera 10.
Nasamsam ng mga otoridad ang narra flitches na may sukat na 200 board feet, isang kulay asul na van, dalawang motorsiklo at dalawang cellphone.
Ang mga nakuhang ebidensya ay dinala na sa Isabela Police Provincial Office para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.