-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pinagpipilian ngayon ng Bangsamoro government ang tatlong lider na uupong administrador ng 63 barangays sa probinsya ng Cotabato.

Sinabi ni BARMM Executive Secretary Abdulraof Macacua na mayroong tatlong mga pangalan ngayon ang pinagpipilian si Interim Chief Minister Ahod Balawa “Murad” Ebrahim.

Ang tatlo sa mga pinagpilian ay sina Cotabato Ist District Board Member Mohammad Kelie Antao, MILF Local Monitoring Team head Habib Guiabar at Board Member Dulia Sultan.

Sa ngayon ay desisyon na lamang ni Chief Minister Ahod Balawa Ebrahim kung sino sa tatlo ang pipiliin bilang uupong administrador sa 63 barangays sa North Cotabato na sakop na ng BARMM.

Matatandaan na ang mga residente sa 63 barangay ay pumabor sa Bangsamoro Organic Law (BOL) at binoto ang yes sa nakalipas na plebisito.