ILOILO CITY – Isang lineman ang nasawi, habang sugatan ang dalawa niyang kasamahan matapos silang makuryente habang nag-aayos ng wireless fidelity o Wi-Fi connection sa Barangay Buenavista, Passi City.
Anga binawian ng buhay ay si Jessie Calibar, 46, residente ng Barangay Mambiranan Pequiño, Passi City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lieutenant Colonel Dennis Pamonag, hepe sang Passi City Police Station, sinabi nito na nag-aayos ang mga biktima ng internet connection ng bigla na lang nabitawan nila ang steel post.
Dito ay sumabit ito sa mainline ng kuryente na naging dahilan ng kanilang pagkakuryente.
Ayon kay Pamonag, nakaligtas ang dalawang lineman pero ang isa pa nilang kasama ay binawian ng buhay.
Anya, kulang sa protective gloves ang mga biktima para sana hindi sila nakuryente.