CENTRAL MINDANAO-Tatlong mga terorista ang sumuko sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga rebelde na sina alyas Bungo,alyas Ali Usman at alyas Datu,mga tauhan ni Kumander Kagui Karialan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction).
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas,pampasabog,mga bala at mga magasin.
Sumuko ang mga rebelde sa pagtutulungan ng RIU 15; RID, PRO BAR; PIU, Maguindanao PPO; CIDG-RFU BAR; AFP, at Local Government Unit ng Ampatuan Maguindanao.
Pormal na tinanggap nina PRO-BAR regional director Brigadier General Eden Ugale at PNP Area Police Command–Western Mindanao commander Lt. Gen. Jose Malayo ang sumukong tatlong BIFF.
Nakatanggap naman ng inisyal na tulong ang 3 BIFF sa lokal na pamahalaan ng Ampatuan Maguindanao.