-- Advertisements --

Tatlong lugar ang itinuturing ngayon ng OCTA Research bilang ‘areas of concern’ sa pagtaas ng kaso ng new variant ng COVID-19.

Ayon sa OCTA, kinabibilangan ito ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental, Puerto Princesa sa Palawan at Bacolod sa Negros Occidental.

Mula kasi Mayo 1 hanggang 7 ay mayroong 75% ang itinaas ng kaso ng COVID-19 at ang daily attack rate ay nasa 8.34 percent.

Mayroong 61% ang hospital ocupancy at 63 percent ng mga Internal Care Unit bed ay napuno na.

Aabot naman sa 78% ang naitalang kaso sa kada araw sa Puerto Princesa habang ang Bacolod ay mayroong 19 percent ang itinaas na mayroong daily attack rate na 13.38 percent.

Nakikita naman ng OCTA na bumababa ang kaso ng COVID-19 ang naitatala sa National Capital Region.

Inaasahan na magkakaroon lamang ng 2,000 kada araw na kaso sa NCR sa Mayo 14.