-- Advertisements --
PAGASA Image of Falcon
TD Falcon

Itinaas na sa Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 ang northern Isabela, Cagayan at Batanes dahil sa tropical depression Falcon.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa 855 kilometers silangan ng Casiguran Aurora o 890 kilometers silangan ng Tuguegarao City.

May lakas ito ng 55 kilometers per hour at pagbugso ng 65 kph.

Mas lalong lalakas pa ang bagyo habang ito ay papalapit na mag-landfall sa extrem northern Luzon sa Miyerkules ng hapon o gabi.

Makakaranas naman ng pag-ulan sa Miyerkules ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, Bataan at Mindoro province.

Magiging delikado pa rin sa mga mangingisda ang lumayag sa mga lugar na nasa TCWS No. 1.