May tatlong lugar ang nakitaan ng OCTA Research ng puno na ang mga intensive care units (ICU) para sa mga COVID-19 patients.
Ito ay kinabibilangan ng Iloilo City, Koronadal City at Bacoor City sa Cavite.
Sa ginawang pag-aaral ng grupo na mu la Hunyo 13-19 ay tumaas ng 8 percents ang arawang kaso sa Iloilo City na mayroong 25.83 average daily attack rate at hospital bed utilization rate ng 90%.
Sa Koronadal naman ay mayroong 16 percent ang pagtaas ng arawang kaso at 21.60 percent na ang kanilang average daily attack Rate (ADAE) habang normal occupancy rate ang hospital beds.
Mayroong 18 percent na pagtaas naman sa Bacoor na ang ADAR ay 4.99 percent at ang hospital bed utilization rate ay aabot sa 32% at puno naman na ang ICU.
Nanatili naman ang Metro Manila sa 5.43 ang daily attack rate habang mayroong 35% ang hospital bed occupancy habang ang ICU capacity ay nasa 44% na.