Tatlong lungsod sa Pilipinas ang kasama sa listahan ng may pinakamalinis na hangin sa Southeast Asian Region.
Base sa 2023 World Air Quality Report ng IQAir, isang air-monitoring company mula sa Switzerland, ilang lugar sa Pilipinas ang mababa pa ang humahalong polusyon sa hangin.
Lumalabas na pang-anim ang Calamba City, Laguna sa may pinakamalinis na hangin sa buong Southeast Asia.
Pasok din sa listahan ang Carmona City, Cavite sa 9th place; samantalang 11th placer naman ang Balanga City, Bataan.
Sa kabila nito, hindi pa rin maituturing na ligtas ang hangin sa mga nabanggit na lugar dahil ayon sa World Health Organization (WHO), ang safe level ng hangin ay mayroon lamang 5 micrograms per cubic meter ng average PM2.5 concentration.
Tumutukoy ang particulate matter, sa particles na matatagpuan sa hangin; kabilang ang alikabok, usok at liquid droplets.
Sa lahat ng pollution measures, ang PM2.5 ang pinakamapanganib na malanghap ng tao.
Sa Calamba, mayroong naitalang 8.2 micrograms per cubic meter ng PM2.5 pollution ang IQ AIR.
Payo ng mga eksperto, gawing inspirasyon ang mga nabanggit na siyudad sa pagpapaigting ng mga aksyon sa paglaban sa lumalalang air pollution sa buong bansa at sa buong mundo.