Aabot na sa tatlong milyong doses ng bakuna laban sa sakit na pertussis ang na-secure na ng Department of Health.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, layunin nitong matiyak na magtutuloy-tuloy ang supply ng bakuna mula buwan ng Mayo hanggang Hunyo upang tiyaking matugunan ang tumataas na mga ko ng naturang sakit sa ating bansa.
Bukod dito ay mayroon pang anim na milyong doses ng pentavalent vaccines ang inaasahan ng ahensya na darating sa buwan ng Hulyo.
Kung maaalala, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, mula noong Enero hanggang Marso 30 ng taong kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga kaso ng pertussis sa buong bansa na hindi hamak na mas mataas kumpara sa 32 kaso ng nasabing sakit na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taong 2023.