-- Advertisements --
Simbolo umano ng matatag na samahan ng US at Pilipinas ang bakunang natanggap ng bansa laban sa COVID-19.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng personal niyang tinanggap ang nasa 3,000,60 milyon doses ng Moderna COVID-19 vaccine nitong Martes na donasyon ng Amerika.
Kasama ng pangulo na tinanggap ang nasabing mga bakuna sa Villamor Air Base sa Pasay City si US Embassy Charge de Affaires John Law.
Tiniyak naman ni Law na handang tumulong ang US sa Pilipinas.