Nakatanggap muli ang bansa ng nasa tatlong milyong doses ng SINOVAC COVID-19 vaccine at halos 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech.
Unang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 pasado alas-sais ng gabi ng Huwebes Nobyembre 11 ang eroplano na pinagsakyan ng 3-milyon doses ng Sinovac vaccine.
Ang nasabing bilang ay iba pa sa tatlong milyong doses din ng Sinovac na dumating sa bansa nitong Nobyembre 10.
Pasado alas-nuebe naman ng gabi ng lumapag din sa NAIA Terminal 3 ang eroplanong pinagsakyan ng 866,970 doses na Pfizer BioNTech.
Ang magkakasunod na pagdating ng mga bakuna ay mga nabili ng gobyerno para sa vaccinaton program ng bansa.
Ang nasabing mga bakuna ay para sa target ng gobyerno na makapagbakuna ng nasa 1.5 milyon doses kada araw simula Nobyembre 20 para mapabilis ang vaccination program ng gobyerno.