-- Advertisements --

Natanggap na ng Pilipinas ang binili nitong tatlong milyong doses ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19.

Pasado ala-singko ng hapon nitong Huwebes ng lumapag ang eroplanong sinakyan ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Personal ito na sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez Jr at government adviser Dr. Ted Herbosa.

Sinabi ni Galvez na ito ang pinakamalaking bilang ng bakuna na nakarating sa bansa.

Ipapamahagi aniya ito sa buong bansa.

Inaasahan din na darating ngayong araw ang 582,000 doses ng AstraZeneca vaccine na binili ng mga private sectors at Sinopharm vaccine na donasyon naman mula sa China.