Nasa hindi bababa sa tatlong milyong senior citizens ang hindi pa nababakunahan kontra COVID-19 mula nang magsimula ang rollout noong Marso.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. noong Nobyembre 27, ipinakita ng National COVID-19 Vaccination Dashboard na 4.4 milyong senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang doses habang 5.1 milyong senior citizen ang fully vaccinated.
Gayundin, 48,491 senior citizens ang nakatanggap ng kanilang booster dose.
Ngunit tiniyak ni Galvez sa publiko na ang mga local government units ay nagpapatupad ng mga istratehiya tulad ng incentives at house-to-house vaccination para sa mga senior citizen.
Ipinunto pa niya na ang paghihigpit sa mga hindi pa nabakunahan na mga nakatatanda sa paglabas ay makakatulong din sa pag-udyok sa iba pang mga seniors.